Martes, Mayo 5, 2020

h


AGAPE
Hindi ko siya madalas kausap pero nahulog ako sa kanya.
Hindi ko siya madalas kasama pero nagustuhan ko siya.
Hindi niya ako madalas pakitaan ng maganda pero inibig ko siya.
Hindi kami madalas magkita pero namimiss ko siya.

Marahil ganito makapangyarihan ang pag-ibig.
Hindi mo malalaman ang maaring isigaw ng iyong dibdib.
Hindi mo mahuhulaan ang iyong susunod na magiging bukang bibig.
Dahil ganito ang tunay na umiibig.
Walang hinihinging kapalit.

Hindi kailangang matagal na kayong magkakilala,
Tapos ay nagkaaminan lang sa isa’t isa,
Ayun naging kayo na.
Hindi palaging ganito ha!

Minsan, isa lang ang nahulog,
Dahil biglang ang dibdib ay kumabog,
Sa di inaasahang tao,
Sa bagay na di naman pinlano.
Kaya ayun nadurog bigla ang puso.

Pag-ibig pa din ang tawag doon.
Pag-ibig sa di kanais-nais na sitwasyon.
Pag-ibig na maaring mabigo.
Pero hinding-hindi pa rin susuko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento