Martes, Mayo 5, 2020

AP


DALAWAMPUT’


                    Hindi ko na nakikilala ang lugar na aking kinalakihan. Ewan ko ba! Marahil, marami na talaga ang nagbago. Yung barber shop sa kanto, naging salon na nung sikat na artista ngayon sa telebisyon. Yung karinderya ni aling Tina, ayun binenta na daw niya ang lupa at naging pabrika na ng isang dayuhan. Malaki daw ang inofer na pera ng dayuhan kaya si aling Tina nasilaw- binenta ang tanging pamana ng kanyang asawa. Lumipat na din sila ng tirahan, malaki-laki kasing lupa ang pinagtirikan ng dati niyang karinderya kasama ang bahay nila. Doon ata sila napadpad sa may kabilang kanto, lipatan din ng mga taong kadalasang nabili ang lupa dito sa may amin. Yung paborito kong palaruan nung bata ako, ayun palaruan pa din, kaya lamang naging pribado na. Hindi na bukas para sa lahat ng batang nais maglaro. Hindi na para sa masa. Sila Ryan na kababata ko, umalis na din sa lugar… balita ko nangibang bansa siya, sinwerte at pinalad na makabili ng bahay sa abroad kaya kinuha na niya ang kanya buong pamliya. Pero may nagrinig din akong, may ginagawang di maganda si Ryan kaya mabilis niyang naproseso ang paglipad ng kanyang buong pamliya. Magulo at maingay pa din ang lugar naming, pero ramdam mong nagbago na. Nagiba na. Parang hindi na tama. Simula kasi nang dumating ang isang hindi naming kilalang si Junior. Biglang unti-unting nagbago na ang lahat. Nagkabentahan ng lupa, madalas na ang negosyanteng di naming familiar ang napapadpad. Tapos ay iyon magulo at maingay pa din pero sa di naming naisip na paraan. Wala na din kami sa aming lugar. Sa huling tanda ko, ubos na ang mga kakilala doon. Kung hindi umalis dahil nasilaw sa malaking halaga, pinili na lamang na lumayo at mamuhay sa ibang lugar dahil ayaw na lamang madamay. At meron din namang katulad naming, nakipagmatigasan at lumaban para sa aming minamahal na lugar, ang nagbuwis ng buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento