“Humahanga”
-May 07,2016
Ano ba ang pakiramdam na ang
bandang napapanood mo lamang sa telebisyon at napapakiggan ang musika sa radio ay
iyong Makita sa personal at inawitan kayong mga humahanga sa kanila?
Nakakaexcite, nakakatuwa, nakakaiyak! Nakakaexcite kasi, finally this is! Ito na
yung pinakahihintay mong chance. Kasi isa ka lamang sa libo-libong humahanga sa
kanila na walang pambili ng ticket sa tuwing sila ay magko-concert, o walang
pangentrance sa bar na may Gig sila at minsan, kahit pamasahe ay wala din. Nakakatuwa
kasi finally, mararamdaman mo na yung feeling na kumanta sila ng Live. Sa Harap
Mo. Yung mapupuna mo ang kaibahan ng sa telebisyon at radio, Mas maganda kasi
Live! Nakakaiyak, kasi hindi ka pa din makapaniwala pagkat parang hindi totoo. Hindi
mo akalain, kasi nga wala ka naming binayaran.. ang effort mo lang ay yung
naghintay na lumabas sila sa entabladong kanina ka tumatanaw.
Kaya, nang dumating ang oras na
dumating sa aming lugar ang bandang aking hinahangaan. Hindi ko ito pinalampas.
Gusto ko silang Makita! Yun ang tanging nasa isip ko. Kahit anong mangyari. At
nang dumating ang araw na pupunta sila, kasama ang aking mga kaibigan …
inabanagan naming sila. Kaso, habang lumalalim ang gabi, at naglalabas-pasok
ang mga artistang inimbitahan sa pangangampanya.. nalulungkot ako, kami. Kasi
wala yung hinihintay naming dumating. Wala yung bandang dahilan kung bakit kami
pumunta sa event na iyon. Nakakalungkot. At nagdesisyon na kaming umuwi, Pero,
nagulat kami nang may nagsalita sa mikropono. Darating Pa daw ang Banda! At kami
ay bumalik at humanap ng magandang pwesto. Naghintay, at masasabi kong sulit
pagkat.. ang unang kantang kanilang kinanta ay isa aking paborito- Rebound.
Grabe!! Ganito pala yung pakiramdam kapag nanunuod ng concert ng banda, magulo!
Maingay! Pero… sobrang Masaya!!! Yung wala kang pakielam kung nabubunggo ka na,
natatapakan, nagkakaamuyan at sobrang pawis na pawis nang dahil sa init. Ang
importante, Masaya ka! Nageenjoy ka. At nakikita mo sila. Dahil, maiisip mong..
minsan lang yun, at dapat sulitin! Ganito pala yung pakiramdam ng isang tunay
na humahanga sa isang sikat na mga tao.
At ang panghuling kinanta nila? Sa’yo. Na labis na minahal ng kahit
sino. Kilala man o hindi ang kanilang banda.
At nakakatuwa ang ganito pakiramdam. Natutuwa
akong maramdam ito. Isang pakiramdam ng isang tunay na nagmamahal na
taga-hanga. Ang sumuporta, makisaya at makisigaw sa karamihan ng taong
karamihan ay di mo kilala. At, sobra akong nagpapasalamat sa pangangampanya ng
pulitiko. Pagkat dahil doon, nakita ko ang bandang lubos kong hinahangaan. J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento