Sabado, Agosto 8, 2020

Rules and Exception

 

“Hindi Ako Exception, Rules Ako.”

(spoken poetry)

 

Madalas akong manood ng mga palabas na yung lalaking gago, nababago ng babaeng noong una, walang interes sa kanya at matino.

Yung mga palabas na yung sobrang gwapong lalaki, iibig sa di ganoong kagandang babae.

Yung bidang mayaman, maiinlove sa mahirap at magaaway ang mga pamilya nila.

Yung nagkukunware lang silang magsyota sa una, pero magkakainlaban sa dulo.

Yung kaibigan lang sila noong una, pero sa dulo sila din pala ang magpapakasal.

Yung matalino na gwapo magkakagusto sa cute na di gaanong katalino na babae.

 

Kahit parang tunog korni sa iba,

Kahit parang nakakasawa nang pakinggan sa iba.

Umamin na tayo, gusto din nating mangyare iyan sa buhay natin!

Gusto din nating maging, “exception”

Pero may mga paepal na magsasabi ng ganito, “Naku! Nangyayari lang yan sa mga palabas at pelikula. Magising ka sa katotohanan.”

 

Pero kahit na ganoon, iisipin mo pa rin isa ka sa tinawag na “exception”, katulad sa mga palabas.

Bakit ba? Marami na kayang mga pelikula at kwento sa telebisyon na sabi ay, “based on true stories.”

Hindi na lang kwentong kababalaghan ang nilalagyan ng ganyang note sa mga palabas ha!

Dalawang buhay na patunay? Lalayo pa ba tayo? MMK at Magpakailanman.

 

Kaya kahit mejo suntok sa buwan ang pagiimagine ng isang perpektong buhay pag-ibig natin…nabibigyan tayo ng pag-asa sa mga ganoong palabas.

Huwag ninyong isisi sa amin.

Kasalanan ng mga manunulat at director ng mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Kasalanan din ng mga taong naging buhay na patunay na may tinatawag na, “exception”.

 

Bagamat madaming parang siopao na asado pagdating sa larangan ng buhay pag-ibig.

Madami ding praktikal na hindi naniniwala ditto.

Naniniwala sila na sila yung,”rules”.

Yung kahit anong gawin nilang pagpapakatanga sa taong minamahal nila, hindi ito magbabago sa kanila.

Na kahit gaano pa man nila ito kamahal, kung hindi sila mahal at gusto nila- wala.

Walang perpektong “love story” ang mabubuo.

Walang nakakakilig na mala-fairytail na kwento ang mabubuo.

Walang forever! Hindi daw iyon totoo.

Yan ang sigaw nila.

 

At kung tatanungin niyo kung nasaan ako sa dalawang ito?

Base sa mga pinagdaanan ko sa larangan din ng pag-ibig.

Kahit na ako ay parang siopao na asado at parang paborito kong tinapay na- hopia.

Hindi ako Exception, Rules din ako.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento