“Hanggang
Dito Na lang”
Hindi ko na sasabihing hindi pa
ako sigurado.
Hindi ko na iisiping baka sa huli, baka may tayo.
Hindi na ako aasa pang baka may magbago,
Dahil alam ko at alam mo,ngayon mismo,
wala talagang tayo.
Walang naging tayo.
Wala nang magiging tayo.
Nagsimula ang nararamdaman
ko sa positibong salita at katangiang nakita ko sa iyo,
Hayaan mong tapusin natin
ito,
Sa mga salitang negatibo.
Para siguradong, hanggang dito
na lang.
Para siguradong magkaroon
ng hangganan na.
Hindi ka gwapo,
Hindi ka matalino,
Hindi ka marunong
maghintay,
Hindi mo ako hinintay!
Ang bilis mong naghanap ng
kapalit ko,
Habang ako pinagpaplanuhan
na ang pagsama mo sa buhay ko.
Wala akong matinong naging
rason sayangin ang pagmamahal ko sa iyo ng napakatagal.
Pero ito pa rin ang
kinahinatnan ko, ang magbuhos ng madaming pagmamahal.
Sobrang daming rason para
kalimutan kita,
Pero pilit akong humahanap
kahit isang rason,
para mahalin ka.
Pero ngayon, ito na talaga!
Hinding-hindi na uulit pa.
Tatapusin ko na.
Iiwan ko ang damdamin ko
ito.
Hanggang dito na lang.
Ito na ang hangganan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento