Biyernes, Agosto 28, 2020

HJS...

    "To The Person I Will Never Take A Risk"


       My feelings for you started unintentionally. You're the person I didn't noticed that will give so much meaning into my life. Because, we are perfectly opposite of each other's dream guy/girl. You're the one I didn't see coming into my life in the most meaningful way.

      I will never take a risk to you, not because you're not worth of take a risk. But because, I'm not the right person to take a risk for you. You're worth a take a risk! Promise, it's just that I'm not the right person to do that. You don't deserved me. I don't deserved you. Because, we're not the right person for each other. Because, we're not meant to be together.

      I, maybe in love with you, but you don't love me. You are maybe, my exception, but I'm not to you. I really like you and I love you. But, you don't feel the same way. Some or most of unrequited love doesn't worth the risk. Because, most of the person they love, never love them back. I will never be okay about it. It won't give a reason to take a dangerous risk. I will never be okay with maybe and no assurance kind of love.

     I will not take a risk, not just because I don't want to get hurt. I'm aware that love always with have hurt. But, I will not do that because I know you will never see me as a girl. A girl, that you can love. A girl, that you can take a risk. And so, I will be just happy loving you from a far. Proudly telling everybody that I love someone, without him knowing. Proudly expressing the kind of love I have for you, without you knowing.

08.27.20

Lunes, Agosto 24, 2020

21

 

“Hanggang Dito Na lang”

 

 Hindi ko na sasabihing hindi pa ako sigurado.

Hindi ko na iisiping baka sa huli, baka may tayo.

Hindi na ako aasa pang baka may magbago,

Dahil alam ko at alam mo,ngayon mismo,

wala talagang tayo.

Walang naging tayo.

Wala nang magiging tayo.

 

Nagsimula ang nararamdaman ko sa positibong salita at katangiang nakita ko sa iyo,

Hayaan mong tapusin natin ito,

Sa mga salitang negatibo.

Para siguradong, hanggang dito na lang.

Para siguradong magkaroon ng hangganan na.

 

Hindi ka gwapo,

Hindi ka matalino,

Hindi ka marunong maghintay,

Hindi mo ako hinintay!

Ang bilis mong naghanap ng kapalit ko,

Habang ako pinagpaplanuhan na ang pagsama mo sa buhay ko.

 

Wala akong matinong naging rason sayangin ang pagmamahal ko sa iyo ng napakatagal.

Pero ito pa rin ang kinahinatnan ko, ang magbuhos ng madaming pagmamahal.

Sobrang daming rason para kalimutan kita,

Pero pilit akong humahanap kahit isang rason,

para mahalin ka.

 

Pero ngayon, ito na talaga!

Hinding-hindi na uulit pa.

Tatapusin ko na.

Iiwan ko ang damdamin ko ito.

 

Hanggang dito na lang.

Ito na ang hangganan.

 

Sabado, Agosto 8, 2020

Rules and Exception

 

“Hindi Ako Exception, Rules Ako.”

(spoken poetry)

 

Madalas akong manood ng mga palabas na yung lalaking gago, nababago ng babaeng noong una, walang interes sa kanya at matino.

Yung mga palabas na yung sobrang gwapong lalaki, iibig sa di ganoong kagandang babae.

Yung bidang mayaman, maiinlove sa mahirap at magaaway ang mga pamilya nila.

Yung nagkukunware lang silang magsyota sa una, pero magkakainlaban sa dulo.

Yung kaibigan lang sila noong una, pero sa dulo sila din pala ang magpapakasal.

Yung matalino na gwapo magkakagusto sa cute na di gaanong katalino na babae.

 

Kahit parang tunog korni sa iba,

Kahit parang nakakasawa nang pakinggan sa iba.

Umamin na tayo, gusto din nating mangyare iyan sa buhay natin!

Gusto din nating maging, “exception”

Pero may mga paepal na magsasabi ng ganito, “Naku! Nangyayari lang yan sa mga palabas at pelikula. Magising ka sa katotohanan.”

 

Pero kahit na ganoon, iisipin mo pa rin isa ka sa tinawag na “exception”, katulad sa mga palabas.

Bakit ba? Marami na kayang mga pelikula at kwento sa telebisyon na sabi ay, “based on true stories.”

Hindi na lang kwentong kababalaghan ang nilalagyan ng ganyang note sa mga palabas ha!

Dalawang buhay na patunay? Lalayo pa ba tayo? MMK at Magpakailanman.

 

Kaya kahit mejo suntok sa buwan ang pagiimagine ng isang perpektong buhay pag-ibig natin…nabibigyan tayo ng pag-asa sa mga ganoong palabas.

Huwag ninyong isisi sa amin.

Kasalanan ng mga manunulat at director ng mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Kasalanan din ng mga taong naging buhay na patunay na may tinatawag na, “exception”.

 

Bagamat madaming parang siopao na asado pagdating sa larangan ng buhay pag-ibig.

Madami ding praktikal na hindi naniniwala ditto.

Naniniwala sila na sila yung,”rules”.

Yung kahit anong gawin nilang pagpapakatanga sa taong minamahal nila, hindi ito magbabago sa kanila.

Na kahit gaano pa man nila ito kamahal, kung hindi sila mahal at gusto nila- wala.

Walang perpektong “love story” ang mabubuo.

Walang nakakakilig na mala-fairytail na kwento ang mabubuo.

Walang forever! Hindi daw iyon totoo.

Yan ang sigaw nila.

 

At kung tatanungin niyo kung nasaan ako sa dalawang ito?

Base sa mga pinagdaanan ko sa larangan din ng pag-ibig.

Kahit na ako ay parang siopao na asado at parang paborito kong tinapay na- hopia.

Hindi ako Exception, Rules din ako.

 


Iniiibig Kong,Heathcliff,

            Siguro nagtataka kung bakit nakatanggap ka ng sulat mula sa akin. Wag kang magalala, nagtataka din akong umabot ako sa punto ng buhay ko na sumusulat sa iyo. Wala akong masabing tumpak at tamang rason kung bakit nagustuhan kita at minamahal na kita. Medyo korni mang pakinggan, pero isang araw, nagising na lang akong inaamin sa sarili kong gusto na pala kita. At dahil madalas na nga tayong nagkakasama at nagkikita, lumalim din ang pagtingin kong iyon. Pagpasensyahan mo na sana at umabot ako sa pagsulat sa iyo. Maaring isawalang bahala mo na lamang ito o wag mo na lang basahin. Wag kang magalala, ayos lang sa akin. Bagamat minamahal kita at gusto kita, hindi naman akong umaasa na maari mong masuklian ng parehong damdamin ang nararamdaman ko. Ayos na akong makita kita sa malayuan, makausap pa minsan, makangitian at makatawanan. Huwag nga lang sanang dahil sa pagamin kong ito ay layuan mo ako, di mo na ako pakitunguhan ng tulad ng dati. Hindi tayo ganoong magkaibigan o ganoon kalapit sa isa’t-isa, pero sana wag mas lumayo ka pa, kapag nalaman mo ang nararamdaman ko. Oo, gustong-gusto ko nang sabihin sa iyo ang nararamdaman ko kasi sobrang ang hirap nang itago. Pero, hindi ibig sabihin nito ay gusto kong masuklian ang nararamdaman ko. Ngunit malay mo, kung palarin at may nararamdaman ka din sa akin edi masaya! Sino ba namang hindi sasaya kung ang taong minamahal nila ay minamahal din sila? Pero muli, HINDI AKO AASA. Alam ko din namang, katulad ng mga nagdaan kong hinahangaan at minamahal, hindi ako yung tipo niyo, hindi ako yung tipo mo. Hinding-hindi mo ako magugustuhan at tanggap ko na iyon simula nang tanggapin ko sa sarili kong gusto na kita.

            Ginawa ko lamang ang pagamin na ito at sulat na ito para patunayan sa sarili kong kaya ko ding maging matapang at masabi ang nararamdaman ko. Sana palagi kang masaya. Huwag ka sanang matakot at lumayo pagkatapos mong mabasa ang sulat na ito. Pinagaaralan ko na naman din ang kalimutan ka.Salamat!

 

Masaya,

Catherine