Miyerkules, Marso 23, 2016

“Taon”

Matagal-tagal na rin,
Simula nang tayo ay pagtagpuin.
Matagal-tagal na rin,
Nung di ko inaasahang ika’y  mapapansin.

Nung mga panahong, ok lang ang lahat.
Nung mga panahon para sa akin ang nakikita ko ay sapat.
Wala akong pake sa ibang tao.
Liban sa mga nakakasama ko.

Pero nung pumasok siya sa buhay ko.
Nagiba na ang takbo nito.
Nang dumating siya sa buhay ko.
Pakiramdam ko muli akong nabuo.

Pakiramdam ko lahat ay nagbago.
Pero ang di ko pinaghandaan saglit lang pala ito.
Dahil ang totoo ay ito pala ay isang malaking biro,
Isang malaking panggagago.

Nakakatawa! Naloko ako.
O sabihin na lang nating,talagang tanga lang ako.
Pinayuhan na kasi ako,
Talagang nagpakatanga lang ako,

Kaya nang sa wakas saglitang bakasyon ay sumapit,
Ako’y lubhang natuwa at paglimot ay pinilit.
At nakakatuwang puso’t utak ko at nagkasundo.
Upang siya, sa puso ko’y talagang maglaho.

Pero, di ko alam,  sadyang ang tadhana’y mapagbiro,
O talagang ikaw lang ay gago.
Bakit ang lakas pa rin ng epekto mo?
Kahit saglitan ka lang sa tabi ko umupo,
Mukhang nakilala ka agad muli ng aking puso.

Umasang muli,
Nagmahal muli.
Naramdaman ko kasing ito na uli.
Ang bagay na aking hinihingi.

Pakiramdam ko ang lahat ay Masaya,
Pakiramdam ko wala nang makakapigil pa.
Dahil pakiramdam ko , sa piling niya ay langit na,
Pagkat ang makasama siya ay sapat  na.

Ayos ang lahat sa amin,
Ok kami, Masaya lang sa damdamin.
Pakiramdam ko ok na ito.
Ok na sa akin ang ganitong ayos.
Ang importante kami ay nakakakilos.

Pero di pala yun sapat.
Akala ko yu na ang lahat.
Akala ko yun na ung pinakasaya
May importante pa pala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento