Sabado, Abril 17, 2021

papa

 

“The First Man who Broke My heart”

 

                  It was something like these; love at first sight. Tears of joy, I love him and he loves me unconditionally without anything matters. That he is willing to give me everything I need and take good care of me. We have the real connection not anyone can have; that only the two of us can understand. Or maybe a words and feelings I can’t never ever describe. We have the thing as valuable as gold that can’t take away by anyone.

 

                He is the first man I ever love. The first man I ever admire. The first man who came into my life and knows me well more than any man can be. The man I will always be willing to understands and understands me. The first man who will always protects and guides me. The first man that will do anything just to makes me happy. The man that is my mother’s true love and our forever first love. The man who promise to spend all his life with us.

 

              But, it turns out that, that man is not perfect. It turns out that the first man I ever love all of my life, will going to hurt us. That he can make a mistakes and he can fail. He failed us. He hurt his true love, his wife, our mother. And so we are. He hurt all of us. He failed us and broke our hearts. He badly hurt his wife, that much that broke our heart into pieces. It so sad that the very first man we really love, broke our hearts. Although, we already accepted his apology, sometimes, we still have trust issues.

Huwebes, Abril 15, 2021

same page, same book...

 “PAREHO NG PAHINANG BINABASA”

“Ano ka ba? Balang araw matatagpuan mo din yung taong nasa pareho mo ng pahina at pareho kayo ng librong binabasa. Hindi mo kailangang hintayin.Pahinga mo muna iyang puso mo. Madalas, dumadating iyon sa di mo inaasahang pagkakataon. ”

Sa tinagatagal-tagal ko nang nabubuhay sa mundong ito. Sa dami-dami ng tindahan ng libro o library na pinuntahan ko. Sa dami ng nobela o kwentong nabasa ko, wala pa din talaga akong matagpuan na suwak para sa akin. Hindi ko alam kung nabasa ko na ba o napuntahan ko na? o baka pinakawalan ko lang at hindi nakita? Kaya ayun, nawala na nga. Pero hindi! Hindi ba ang sabi nila kapag ayun na iyon, mararamdaman mo? Kapag ayun na iyon, hindi mo iyon palalagpasin o pakakawalan? At kung sakaling, hindi ko nga sinasadyang napakawalan… naniniwala akong tadhana ang gagawa ng paraan para mapasaakin iyon… kasi nga iyon ay nakatadhana para lang sa akin. Kasi nga, iyon yung makakatagpo ko sa parehong pahina, sa parehong librong aming binabasa.

Ang dami ko nang pinuntahan, ang dami ko nang inalisan. Naiwan, naghabol, tumakbo pa pabalik, naghintay. Wala pa din. Puro, isang upuan o biruan, tawanan, tapos sa huli, paiiyakin ka, sasakatan ka at ayun, ending part na! Nakatapos na naman ako ng isang libro pero wala pa ding nakasabay, wala pa ding nakakatagpo. Sabi ng kaibigan ko, wag ko daw kasing hintayin, wag ko daw habulin o hanapin. Kasi, kusa daw iyong dadating para sa akin. Hala! Naglalakad ba ang libro? Joke! Pero pwera biro, sa dinami-dami ng mga mambabasang katulad ko, wala ba talagang para sa akin? O sadyang mainipin lang ako at napepressure sa mga nakikita sa mundo? Pinagdasal ko na din naman siya kay Bathala. Pero baka kaya hindi ko din matagpuan kasi hindi pala katulad kong libro ang hawak? Hay! Ang gulo naman. Napapagod na ako!

Makikisabay na lang siguro ako sa agos ng buhay. Baka kaya hindi rin dumadating kasi naiinip ako… kasi iba ang tinitignan ko. Ito na lang ang gusto kong mangyari kung sakaling dumating siya. Sana iyong taong makakatagpo ko sa iisang pahina… sana pareho kami ng librong binabasa, at sana ako yung leading lady sa librong iyon. Hindi mahalaga kung sa umpisang pahina niya ako natagpuan o nagkita kami sa gitna o kahit sa hulihan. Ang importante, nagtapo kami. Ang importante masaya ako, kami. Kasi sobrang tama ng lahat. Kasi nagkita kami sa iisang pahina, kasi pareho na kami ng librong binabasa.

-eyr

damn...

 "DAMN-D-AMIN”

“Ayun ang masakit na katotoohan ng damdamin, ginawa upang ating maramdaman.”
“Kung ito ay isa lamang nararamdaman, bakit nagagawa nitong mabago ang takbo ng buhay ko?”
Naniniwala ka bang lahat ng bagay sa mundo ay may itinadhanang gagawin kaya ito nalikha? Na hindi gagawa si Bathala ng isang bagay na walang halaga; oo lahat iyan ay may halaga, lahat iyan ay may dahilan at pagagamitan. Katulad na lang ng pagkain. Bakit ba ginawa ang pagkain? Upang may kainin ng mga tao at mabuhay. Bakit may damit? Upang may proteksyon sa katawan ng mga tao. Bakit tayo pumapasok sa paaralan? Upang matuto ng marami pang bagay, at etc. Napakadaming bagay na nalikha ang may kanya-kanyang itinadhanang gagawin… pero, may isang bagay akong naguguluhan ang halaga- ang damdamin. Bakit nga ba nagawa ang damdamin? Ano nga ba talaga ang itinadha nitong gagawin?
Sabi nila ginawa ang damdamin upang sabihin at ipakita. Ginawa ang damdamin upang iparamdam at maramdaman. Kaya masaya? Kaya nakakatuwa? Kaya nakakalito? Kaya nakakalungkot? Kaya nakakasakit? Kaya nakakadismaya? Kaya umiiyak? Ang damdamdamin daw ginawa upang sabihin? Pero bakit may mga taong takot o duwag at hindi maamin ang tunay nilang nararamdaman? Kasi natatakot sa kahihinatnan na baka masaktan lang sila sa hulihan. Hindi naisip ng mga taong iyon, na nasasakatan na din naman sila nang araw palang na pinili nilang hindi aminin ang kanyang nararamdaman at maging malabo na lamang ang lahat. Ang damdamin daw ay dapat ipinapadama? Pero bakit marami sa atin ang itinatago ang tunay nilang nararamdaman para sa taong mahalaga sa kanila? Kasi alam nilang hindi naman masusuklian ang damdaming ibibigay nila sa taong iyon? Pero hindi nila naisip na hindi naman iyon ang mahalaga. Hindi mahalaga kung naibalik niya ang parehong nararamdaman, dahil hindi natin pag-aari ang nararamdaman niya. Ang totoong mahalaga, ang nararamdaman natin sa ating sarili. Wala namang nagbawal sa atin na mahalin ang taong hindi tayo ang gusto. Kaya magmahal ka hanggat gusto mo. Walang sinuman ang makakapigil nito kung hindi ang sarili mo. Ginawa daw ang damdamin upang maramdaman. Ah, kaya masakit. Kaya nakakadurog ng puso kaya pilit kumakawala ang mga luha sa mga mata.
Sa dami ng kahulugan o dahilan kung bakit nagawa ang itong damdamin, ito lang ang natutunan ko. Ang damdamin ay mapusok. Ang damdamin, hindi natin nakikita pisikal, pero nagagawa nitong makontrol tayo, na kahit anong pilit nating isipin na wag maramdaman ang damdamin ayaw natin maramdaman- hindi ganoon kadaling pigilan. Na hindi natin mapipili ang nais nating maramdaman sa isang tao o sa isang sitwasyon. Kaya nitong makasira o makabuo ng isang relasyon. Hindi nakikita ng ating mga mata, pero sobrang nakakapagpasaya o nakakapagpasakit ng kalooban.
Kaya lang minsan, nakakagago lang din ang damdamin. Nakokonsensya dahil nakasakit ka pero dahil ang totoo, nasasaktan ka din dahil hindi mo na naipaliwanag ng buo ang nararamdaman mo. Naiinis ka dahil hindi mo magawang alisin o limutin o wag isipin ang nararamdaman mo para sa isang tao, dahil sa likod ng iyong utak, umaasa ka pa ding baka may posibilidad nga- kahit alam mong malinaw pa sa sikat ng araw na wala nga. Nakakagago hindi ba? Ito talaga ay isang malaking DAMN-D-AMIN!!!


04.08.21